LBM (Ligayang Bigay Mo)

Bradz


Iniiwan lagi
Ewan ko ba
Ayaw nila sa akin
Lagi na lang

Nag-iisa
Walang kasundo
Buti na lang
May isang tulad mo

Sobra kung laitin
At layuan
Anong mali ba sa ‘kin?
Pakisabi lang

Nag-iisa
Nagmumukmok
Buti na lang
At nasagip mo

Aking bagong dahilan sa buhay
Ang ilaw ko 'pag 'di na masakyan
Ang mundong sobrang pait
Nagkaro’n ng ngiti
Ligayang bigay mo

‘Di lubos maisip
Nariyan ka
Tumatabi sa akin
‘Di nahihiya

‘Pag umiiyak
Hinahaplos mo
O swerte niya
At may tulad mo

Aking bagong dahilan sa buhay
Ang ilaw ko 'pag 'di na masakyan
Ang mundong sobrang pait
Nagkaro’n ng ngiti
Ligayang bigay mo

Kahit ano pa ang sabihin
Isipin sa akin
Okay lang ‘yan
Nandito ka naman...

Aaah aking bagong dahilan sa buhay
Ang ilaw ko 'pag 'di na masakyan
Ang mundong sobrang pait
Nagkaro’n ng ngiti
Ligaya…

Aking bagong dahilan sa buhay
Ang ilaw ko 'pag sobrang labo na
Ng mundong dumidilim
Nagkaro’n ng ngiti
Ligayang bigay mo

Ligayang...
Oooh-ooohhh
Oooohhh
Ligyang bigay mo

NOTE: Originally transcribed by Sofia Louise Rodriguez
Song Information
Composer
Bradz
Year
2020
Songs by Bradz
Song Videos